Wednesday, May 21, 2008

RCBC robbery-massacre;with Police Photos


Tangina naman shet, wala ba kaluluwa gumawa nito? siguro naman ay alam nyo na ang balita na 'to, 10 ang namatay pawang mga empleyado sa nasabing bangko at isang kliyente, talaga bang desperado na ang mga tao ngayon dahil sa hirap ng buhay? kaya nagawa nila ang karumal dumal na krimen, take note halos karamihan sa biktima ay mga binaril sa ulo para talagang masabi na patay agad? pede naman sana di nila patayin, biruin nyo kawawa naman ang mga pamilya na nawian nila sa mundong ito, tsk tsk, napa mura talaga ako lalo pa nakita ko ang mga police photos na sinend sa email ko. Ang latest sa balita mga pawang police ang suspect dahil nakita nila sa logbook sa bangko at iniimbestigahan pa sa ngayon. Dapat ba uli i taas ang parusang kamatayan? para naman matakot ang mga susunod pa na gagawa ng mga ganitong klaseng krimen sa atin bansa, mga di natatakot sa habang buhay na pagkabilanggo eh. tsk tsk.


kung gusto nyo makita ang Police Photos sa RCBC robbery eto ang link:

(WARNING not suitable for minors)

http://www.savefile.com/files/1565346

Sunday, May 18, 2008

NBA: Utah Jazz's worst Nightmare



If you're an avid fan of NBA, perhaps you will know Utah Jazz's worst nightmare.. who else, it's Phil Jackson, the coach of L.A LAKERS, recently they beat jazz (4-2) in semi-finals round in NBA 2008 playoffs. Back in 90's where Phil Jackson Coached M. Jordan and the rest of the Chicago bulls they defeated the Utah Jazz in the NBA Finals both in 1997 and 1998 with a series of 4-2. I got this pic in RagnaBoard, someone posted it there. Jerry Sloan coach of the Utah Jazz never beat Phil Jackson in a playoff series.

Friday, May 16, 2008

Metal Gear Solid 4 2008 Theatrical Trailer

Damn!! can't wait for this one, eto na ang inaabangan nga mga MGS fans, ang MGS4:GOTP. just check out the trailer

bored DOTA player -_-


Matagal tagal na rin ako di naglalaro ng DOTA (defend of the Ancient) siguro naman dami nakakaalam nito lalo na sa mga adik sa pc games, nagiging boring din pala pag yun at yun na lang ang nilalaro mo nakakasawa na rin, kaya hahanap na ng iba mong malalaro. binisita ko ang http://www.getdota.com/ para makita ang latest map, kasi ang huli ko laro ng DOTA ay version 49c. pa meron na pala verison 52. Wala pa siyang AI na map so eto na lang ginawa ko nilaro ko si globlin techies at naglaro na lang, at eto ang kinalabasan haha.




Thursday, May 15, 2008

CABAL online Philippines


Nung tinatamad na ako mag MU online dahil wala pa rin ang SEASON 3!!! ( lecheng Mobius yan kelan pa nila ilalabas ang SEASON 3, tiyak eto inaabangan ng mag nag-hibernate mode sa MU phil.) ay may ni refer sa akin ang friend ko sa shop ang bagong game na CABAL online, closed beta pa lang siya, napansin ko ang ganda graphics, game play, free to play pa, para siyang MU at RF online, basta kung ako sa inyo download niyo na ang installer sa http://www.cabal.com.ph/ hindi na to kelangan mag load, dahil nga naman sa hirap ng buhay ngayon mas gugustuhin pa ng iba nag bumili na lang ng bigas kesa sa load diba? pero ewan ko lang kung anung klaseng serbisyo ang E-games, 1st time ko pa lang kasi maglalaro ng isang online game na galing sa E-games.

Wednesday, May 14, 2008

Batang 90's ka ba? revised

Ito ay nakuha ko ang idea sa "ABNKKBSNPLK" ni Bob Ong na kung saan ni-reminisce ang 90's;idea ng ilan na nag contribute dito. kudos to THEM

paki comment na lang dito or pm sa akin kung meron pa kayo gusto i dagdag


BATANG 90'S KA BA ?
• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
• Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
• Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
• Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. • Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
• Sumasayaw ka ng Macarena.
• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"
• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.
• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...
• Napanood mo ang Batang X.
• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"
• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."
• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.

ABS-CBN; biased, isn't it?


Nung ako'y nanonood ng balita sa channel 2 or 7 napansin ko nung pumutok ang balita ukol sa MERALCO ay napansin ko sa headlines pa lang ng TV patrol ay halatang may kinikilingan, base sa nakita ko di nila masabi sa mga viewers na sobra mag taas ang MERALCO or kugn anu anu pa na negative na nilalabas nila, panay pagtatanggol ang pinapalabas nial sa nasabing kumpanya, dahil nga naman sa pagmamay ari ng LOPEZ ang ABS-CBN at may shares din sila sa MERALCO kaya ganun na lang pagiging biased nila. Siguro naman napansin din naman ng mga manunuod, suggestion ko lang manood na lang kayo sa channel 7, either saksi or 24oras sabi nga nila walang kinikilingan walang pinoprotektahan. =)