Tuesday, April 29, 2008

You cannnot please everybody~

yeah that's true, you cannot please everybody. Saktong sakto yan sa sa amin, nag swimming kasi kami overnight ng mga kaklase ko nung college, 19/41 ang sumama..pero kahit ganun masaya pa rin *sigh*, yun iba talagang tamad lang kasi corny daw, yan iba wala daw pera yun iba di pinayagan daw pero mga nakakapunta naman kung saan saan. Masaya na rin swimming namin sa Los Baños Laguna sa Romero's private resort dun, tamang kainan,inuman, kantahan at bonding, ngpaplano pa nga kami ng 2nd outing kahit kakaunti lang kami sa Laiya Batangas naman. Yun isa namin kaklase sabi susunod daw pero hindi drawing lang kung baga. Sa ngayon hindi pagod ang nararamdaman ko kung di sakit, napaso kasi ang daliri ko sa paa ng baga habang nag iihaw kami, hindi kasi sinasadya or sinasadya ba lol, tumalsik yun baga sa paa ko saktong sumingit sa dalawa kong daliri. ayun 1st degree burn, ngka blister tapos naapakan pa ng isa kong kaklase na babae habang nagpapapicture kami, haay. Pero siyempre as a nurse ang gagawin eh di nilagyan ko agad ng petroluem jelly pag uwi ko, so far so good medyo ok na rin kahit papaano =).

txtnetwork sa cable; online bugawan



Kagabi lang habang nanunuod ako ng replay ang NBA sa btv channel, naisipan ko maglipat lipat para naman may mapanuod kasi boring ang game, si sinimulan ko sa channel 2 hanggang sa nakita ko ang textnetwork tv sa channel 18 dito sa amin, ewan ko lang kung anu channel sa iba, aba grabe eto nakita ko online bugaw pala.lol. Kasi naman san ka makakakita mga lalake naghahnap ng sex dun, ka sop at sot, mga pagkadami ng mga bakla dun naghahahanap ng makukuha, mga willing to play daw, post pa sila ng mga cp numbers nila at mga pics, nakakatuwa, pati rin pala sa tv uso din pala ang mga bugawan. Daig pa nito yun sa yahoo chat dati na kung saan meron mga private rooms dun bugawan din tapos may mga nagshoshow, isa pang nakakaasar dito may admin nga parang bulag na bulag sa mga pinopost dun, may nakalaga pa dun na yung admin has the right to ban any texters na bastos, oh well siguro need din nilang kumita.. pero dapat talaga shinushutdown na yun channel na yun kung di gagawa ng aciton ang mga admin dun.

ganyan na ba ka desperado ang mga pinoy ngayon? omg!

Friday, April 18, 2008

Nakakahiya at nakakasukang mga professionals

What the hell ever happened to the right to confidentiality and the right to privacy? May gana pa talaga sila mag pictorial dun sa Operating room. And sterile zone yung operating room, hinde ka pwede basta bastang mag papasok ng kung sino sino dun sa room at bawal maglabas ng mga non sterile items (cellphone) lalo na sa operating room.- eraserheads214 from pRO forums

such imbecility!

nakakahiya ang mga doctors at nurse na sangkot dito sa scandal na to sa VICENTE SOTTO HOSPITAL sa Cebu Philippines. siguro naman napanuod nyo ang balita na to sa mga tv or nabasa sa mga peryodiko, nakakatuwang isipan na nung ininsulto tayo dun sa palabas na DESPERATE HOUSWIVES eh galit na galit tayo, samantala dito sa atin pati kapwa natin kababayan at binaboy natin ang pgkatao, makatao ba yun para sa mga professionals ang pagtawanan ang pasyente habang nasa operating room. Nakakiya kalat na kalat na to sa You tube at sa Internet. Another FOUL nanaman para sa mga pinoy.. tsk tsk tsk

eto mga links:

http://margarey.multiply.com/video/item/15

http://pwincesha.multiply.com/video/item/23/Vicente_Sotto_Scandal_-_UNEDITED_VERSION


Dapat sa mga professional na to ay tinatanggalan ng lisensya at kasuhan ng PRC, nilabang nila ang code of ethics atbp. Nakakahiya eto

Thursday, April 17, 2008

kalokohan sa Phil. Ragnarok Online ~

Sumilip ako sa forums ng dati kong kinaadikan na laro ang Ragnarok, na kung saan ito'y hit na hit nung kasikatan pa nito, isa sa unang MMORPG, natawa ako dahil dati rati' mainit pa sa forums ang mga topics na di sila mag lalabas ng item mall, at bot (3rd party program) ngayon parang kinain lang nila ang sinabi nila. Meron na pala item mall kugn saan andun na lahat from boss card upto dun sa mga experience items, hindi na ako nagtataka bakit umunti ang players nila dati rati'y nasa 10k-15l ang players dun sa Chaos server sikat na server sa pRO dati, ngayon ay wala na dahil nag merge na pala kasi para nga naman ghost town ang mga dating siksikan map ng prontera at morocc, mukha lang madami dahil sa bot na yan-bot na nagpapabilis ng iyong pa level at pede mo rin ito i iwan sa bahay or i AFK para mag vend para sa iyo. Naglabas din pala sila ng free to play server yung VALKYRIE at yun bot free na server "daw" yun Thor na ngayon ay na dissolve na at nag evolve naging Valhalla, mga pangakong napako ng LEVEL UP! inc. para sa pRO ay nasira lang, tsk tsk.. di kalibre din kasi ang mag programmers sa Openkore (team na gumagawa ng bots) kesa sa mga nagtatrabaho sa LU!inc, naalala ko pati yun patakaran sa Valkyrie server dati na kung saan eh nanghuhuli sila ng bot, OO sa unang 3 buwan nanghuhuli sila, eh nung dumami na eto sa Valkyrie server tinamad na ang mga nanghuhuli, dun na lang sila siguro kumikita, kahit free to play server pa yan hahaha.. pero namimiss ko ang pRO, yun mga kasamahan ko sa War of Emperium, Boss hunt, PVP at mga quest.
Ngayon naka imbak na lang yan sa aking memorya, buti na lang hindi pa na dedelete ang account ko dito, binigay ko na sa kapatid ko na lalake yun account ko para laruin nya, kaso tinamad na rin. Dami na rin pala pagbabago ang nangyari sa pRO, dupe, unresolve hack cases well part of the game sabi nga nila.. pero para sa akin Level Up! inc. sucks, kita nyo naman nag shut down na ang PANGYA, kasi ay lugi na at di na sila dun kumukita, siguro kumikita na lang sila sa mag rakes ng mga GM's at ibang nagtatrabaho dun.
ito ay opinion ko lamang. ^^\m/

Wednesday, April 16, 2008

Life after graduation, anong meron?

Nagising ako ng alas otso y medya na ng umaga, puyat na puyat dahil mga mag aalas dos na ng umaga ako natulog dahil sa nilalaro kong FINAL FANTASY X sa PS2, dali dali ako bumangon at naligo baka kasi ma late nanaman ako para pumunta sa skul at ayusin ang mga papeles gaya ng mga TOR, at iba pang credentials. Hindi na nga ako nag almusal para maaga ako sa skul para maiwasan ang dami ng tao pag nagpipilahan dun. Nung sumakay ako sa bus para pumasok, nakaramdam ako ng gutom, buti na lang dumaan ang bus na sinasakyan ko sa bus stop kugn saan my mga pumunta na tindero't tindera ng kung ano ano, tyempo na nakita ko ang aking laging binibilhan na bibingka, sakto busog agad ako, tapos nun habang nasa biyahe tamang soundtrip ako at iiglip para di ako mainip sa biyahe, inaabot kasi ng 30 km ang layo mula sa amin hanggang sa pinapasukan ko.
Nung nakarating ako sa skul ay kokonti pa lang ang andun, wala ako makita sa mga kaklase ko, siguro mga tinatamad asikasuhin, meron ako nakita pa ilan ilan lang na ka batch para ayusin din ang mga requested forms, at yun nakapagpa pirma na rin ako, ang kulang na lang ang pirma ng aming DEAN!, sabi ng kanyang sekretarya "ay baka sa susunod na linggo pa daw at di pa mapipirmahan sa ngayon" kasi sabi daw, chechekin pa daw ang aming thesis at cases. wtf!?! sana na lang sinabi nila ng mas maaga yun para di na ako nakapasok pa ng maaga at nakapag laro na lang sa bahay. ^_^
Pagkatapos ko galing sa skul eh pumunta ako sa mall medyo malyo layo sa pinapasukan ko para isauli ang binili kong bala sa ps2 kunwari di nagana pero natapos ko na to ng 2 araw lang. haha para maka tipid ako ^_^, habang nasa bus ako iniisip ko kung anu ang buhay pagkatapos ng buhay sa eskwelahan, yun ba magiging seryoso kana talaga at mgpaplano para sa magiging pamilya mo, pero ang iniisip ko ay mgpasarap, lakwartsa, pumunta sa mga bar at pegasus para mag happy happy, pagkatapos ko makapag ipon pag nakapag trabaho na ako. Mahirap ang buhay pgkatapos sa eskwela, unang una wala kana baon, siguro sa iba bibigyan pa ng allowance sa unang buwan, pero pano pagkatapos nun? ikalawa ang experience sa trabaho, mahirap maghnap ng trabaho sa ngayon lalo na at kaka graduate mo lang, balak ko nga mag sideline sa Jolibee bilang service crew or sa gasolinahan malapit sa amin bilang pump attendant, pero ayaw sa amin, ewan ko ba kung bakit, hindi na lang ako nakipag talo, hahahaha. Pero ang kasama sa pagkuha ng trabaho ay meron experience, siguro kailangan ko muna mag volunteer sa isang pampublikong hospital.
At yun nakarating na rin ako sa mall kugn saan isasauli ko ang aking binili, buti naman at pinaltan nya eto at wala na tinanung na anu man. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa Jolibee para mag take out at kainin na lang sa bus sa pag uwi ko, sabi ko sa crew "miss yun B1, large yun fries and drink", ang sabi ba naman sa akin " sir take in or take out" syempre natawa ako dun at bigla nya binawi at sabing "dine in or take out" siguro baguhan pa lang siya sa trabaho niya at kinakabahan hahaha. Tapos nun umuwi na rin ako para malaro ang bago kong bala.

Graduation day! asan ang dimploma't cap ko?

Tadaan, tapos na ang aking graduation kanina lang, muntik na kami ma late dahil ang tagal ng mama ko, pumunta pa kasi sa parlor para mgpa ayos ng buhok. LOL!, at si papa ay inip na inip na rin, nakasakay kami kanina mga mag aalas dose na ng tanghali. Kasabay namin sa Bus ang isa kong kaklase at isang ka batch. Mga nasa isip namin ay sana bilisan ng driver ang pagtakbo ng bus dahil kami ay malalate na, sabi kasi ng Dean namin ay exactong 1pm dapat andun na, pero inisip ko filipino time eto, tiyak di to sakto ng ala una ng hapon magsisimula, at yun tama nga ako, nagsimula kami mag aalas dos na ng hapon. Galit na galit ang aming Dean dahil nakita ang mga babae na gagraduate na mga hindi naka boknai kung di mga naka lugay ang buhok sa likod. wala daw formality hahaha, wala tayo magagawa dun kung yun ang gusto ng mga pasaway na babaeng maarte, at yun din oras na yun nakita ko ang aking matalik na kaklase, ang sabi sa akin "pare ayos ah, dami chicks naglipana ang mga BATTLEFURY (termino na ginagamit namin mga mgkakaibigan pag may nakikita kaming cleavage na maganda, aksi may CLEAVING attack ang BF kung ikaw naglalaro ng DOTA gets mo na to), daming chix swabeng swabe, matalik ko na kaibigan na laging nililibugan sa tuwing nakakakita ng ganun).

Tapos nun, kami ay pumila na rin hinanap ang aming mga kasama sa pila kasi alphabetical ang ayus ng aming pila papunta dun sa gymnasium. Meron mga humabol sa pila. buti na lang at walang na late, kung di sentro ng attraction nanaman yun malamang. National anthem na tapos dadaldal na ang MC at speaker tapos yun na bigayan na ng diploma! yipee! pero asan ang SO neto? Special order no. wala sa diploma? anak ng? sang sabi sa amin kasi papa lagyan pa daw yun sa CHED aabutin daw ng tatlong linggo, haaay..Nang bandang patapos na ang programa na yun, meron huling gagawin ang pagtatapon ng cap yun kasama ng toga, nung binato ko ang aking cap ay napalakas eto papunta sa likod sana wala ako tinamaan nun, pero ewan ko lang hahahah.. natapos na rin ang programa at sa wakas tapos na rin ako sa kurso ko. Ang pinoproblema ko ay asan ang cap ko? baka kasi makapag abono pa ako neto. Buti na lang nakita ng papa ko kung asan yun cap. maliit yun cap nasa isip ko. pero hinayaan ko na isosoli din naman yun, hindi akin yun siguro meron din nawawlan ng cap. LOL! bago kami umuwi sinauli ko na ang toga ko't aking dimploma. haaay. hindi na rin ako nagtagal dun kasi ako'y inip na inip na at kating kati na sa suot ko. para bang gusto kong maligo agad pag uwi sa bahay. di na rin ako dun ngpa picture picture pa kasama ang akign mga kaklase kasi sobrang dami na ng tao.

balik na lang ako sa eskwelahan ko bukas para ayusin pa ang mga dapat kong ayusin.

Hibernate mode?!?

After weeks of thinking, I've decided to hibernate in MU philippines,why? sa dami dami kasi ng commitments ko and busy because i'm a graduating student, I should be serious on my review for my NLE (Nursing Licensure Exam). Seryoso na ba ako sa buhay? LOL! hindi naman, ganun talaga ang life, iisipin ko muna ang aking realidad bago ang virtual world, ang MU andiyan lang yan hindi mawawala yan unless they shut down their company! LMAO! kaka addict kasi hehe, dami ko nauubos na oras/pera sa MU, wala ba ako napapala? meron! unang una dito ay pagkakaroon ko ng mga kaibigan, kaaway, kakulitan at kaasaran, chicks meron? wala! panay chixilog! hehehe meron naman babae sa aking guild ang problema meron na sila mga bf hehe, hindi naman ako desperado, mahirap maghanap ng kasintahan sa laro mas ok na lang sa personal na buhay hehe baka kasi lokohin pa.. hahahaha Siguro pagkatapos ng aking review sa June para sa NLE at sa ganun maging ganap na lisensyadong narse na ako, ay sisilip silip ako sa MU Phil. titingnan ko kung Season 3 na ba? (MOBIUS! anung petsa na??), titingnan ko ang aking guildmates and friends.

Newbie noob

Hello! good day to everyone, I've created this blog to express my feelings, emotions, and opinions, experiences of my daily living. You may call me cofibean wannabe, but i don't care. I made this blog in a new way. I love pizza and currently student taking BSN